Mike in the News

In this page we feature current headlines and news about Mike Defensor. We want our readers to pay attention to his activities and how he is being treated by the media. We welcome comments and punditry. We engage in dialogues and rigorous debates when necessary.

Sunday, May 31, 2009

Defensor 'di na raw interesado sa kasong isinampa kay Lozada



05/28/2009 | 06:01 PM
MANILA – Hindi na umano umaasa si presidential chief of staff Michael Defensor na makakukuha ng patas na pagdinig sa kasong perjury na isinampa niya laban kay Rodolfo Lozada Jr., kaya iuurong na niya ang reklamo.

Sa ulat ng dzBB radio nitong Huwebes, sinabing nagpadala na umano si Defensor ng sulat kay Manila Metropolitan Trial Court Branch 26 Presiding Judge Jorge Emmanuel Lorredo na nagsasaad na hindi na siya interesadong isulong ang kaso kay Lozada.

Si Lozada ay naging testigo ng Senado sa ginawang imbestigasyon sa kinanselang national broadband network project sa ZTE Corp ng China.

Ginawa umano ni Defensor ang hakbang sa mismong araw na itinakda ng korte ang pre-trial sa inihain niyang kaso laban kay Lozada.

Inihayag umano ni Defensor sa ulat na hindi na siya umaasa na magiging patas ang gagawing pagdinig sa kanyang kaso.

Una rito, pinayuhan ni Lorredo si Defensor na iurong na ang demanda kay Lozada dahil posibleng makaladkad sa pagdinig sina Pangulong Gloria Arroyo at First Gentleman Jose Miguel Arroyo.

Ang naturang payo ni Lorredo ay hindi naman nagustuhan ni Justice Sec. Raul Gonzalez at kinastigo ang naturang hukom.

Sa kabila nito, umaasa umano si Defensor na makakakuha siya ng patas na pagdinig sa ibang lugar ngunit hindi binanggit kung saan.

Ang kaso ni Defensor ay kaugnay “pagsundo" kay Lozada nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport noong Pebrero 5, 2008 mula sa Hong Kong.

Sinabi ni Lozada na “dinukot" siya ng mga tauhan ng gobyerno upang pigilan siyang dumalo sa gagawing imbestigasyon ng Senado tungkol sa $329.48-milyong broadband deal.

Idinagdag ni Lozada na pinakiusapan siya ni Defensor na itanggi na may kinalaman ang pamahalaan sa naganap na “pagdukot" sa kanya. Mariin naman itong pinabulaanan ng dating opisyal na naging dahilan ng pagsasampa niya ng kaso. - GMANews.TV

No comments:

Post a Comment

    Kay tamis ng ating samahan sa lungkot at kaligayahan. Tunay na kaibigan, kasamang maaasahan. Salamat at tayo'y may pinagsamahan. Salamat, tunay kong kaibigan

    (Salamat, by The Dawn)

    Mike has always been dear to us since we were kids. He’s a good friend who came running when we needed him. Mike was the go-to guy even before he became Cong. Mike, and then Sec. Defensor. Many of us knew he was destined for public service. Mike was the consummate politician, a trait he developed since grade school. We thought he would go on to become president, if he didn’t disappoint the fickle Filipino public.

    But it seems he has. So much so that he is vilified by the media at every opportunity. His actions are always placed within the perspective of his relationship with an unpopular president. Justifiable, though harsh.

    So we set up this blog. Some of us have worked with him and have seen him make what we thought were good decisions. But some of us were also there when we thought he made wrong ones. But that is how a man is made -- by the choices he makes.

    As his friends, the best we can do is stand by him and try to help everyone else see things from a different light.